|  |
DAHIL Ngayo'y alam ko na na ang mahalaga ay 'di mahalaga dahil iniibig kita sa panahong pinagdududahan ko ang pag-ibig na iniibig kita Ang iyong kalapitan ang masungit mong ngiwi, ang mga matang nakatutok sa kawalan at sa kalahatan, ang iyong nahihiyang mga labi pinatigas ng taon at pag-ibig ito ang mga bagay na aking minimithi dahil iniibig kita Dahil sa iyo ay natagpuan ko ang sarili sariling natutuliro muli at muli paulit-ulit upang muli na naman magsimulang matuliro paulit-ulit muli at muli dahil iniibig kita
|
|
|
|