LITTLE DISTRACTIONS | MY LI'L BROTHER | EARLY AFTERNOON | THURSDAY | BLUE SKY | EARLY IN THE MORNING | DREAMS | ENLIGHTENMENT | A KISS IS A KISS | RED | REMORSE | FLORES DE MAYO | WHEN YOU LOVE A ROSE | RED SATIN DRESS | One of Those Days | TIME | TOO MUCH | WHEN THE WORLD SEEMS GLOOMY | THE HURTFUL TRUTH | ROSE PETAL | WISDOM | HOMECOMING2 | HOMECOMING | NEW ORLEANS | Springtime in Hammond | HEAVEN | SLU3 | SLU IN THE FALL | SLU2 | Southeastern Louisiana University | SYDNEY | Pictures | ONE SLEEPY MORNING | WHAT IF | THE GLOWING MORNING NOON | ON A BRIGHT DAY | PAIN | PROGRESS | ANG ANAK | MINSAN | ANG PINTO KO | HULOG NG LANGIT | BITUING AKIN | ULAP | ULAP NA PAGKAPUTI-PUTI | GUNITA | MULI AT MULI | KIROT | KANI-KANINA LANG | SULYAP SA NAKARAAN | LUMBAY | KAPUTIAN | ISANG PANGKARANIWANG UMAGA | NAGKATAON | IKINAHIHIYA | IROG | ILUSYON | MANGYARI | IKAW | IKAW | IKAW | S'YA LAMANG ANG IIBIGIN | MGA ULAP SA KALAWAKAN | ULAP/CLOUD | BECAUSE/DAHIL | AND AFTER ALL THAT | ABSCENCE | EMPTY | COME HOME | ON A MORNING SUCH AS THIS | SA UMAGANG KAGAYA NGAYON | BLUE ISN'T ALWAYS BLUE | GOOD MORNING | About Me | Favorite Links | Contact Me

Home

Poesia
ILUSYON

ILUSYON



ILUSYON


Hindi ko alam kung bakit
noong makita ka minsan
minsan lang naman napagmasdan
subalit sa aking isipan
ay 'di na nawala ang iyong larawan
larawan ng isang matang may ngiti
pilit man at bahagya pa mandin
subalit ang namumulang pisngi
at ang mga matang naging mapungay
sa titig ko't haplos
tapik sa namumulang pisngi
at mga daliring umikot sa balikat at noo
ang tanging huminto
ay hindi ang panahon
o ang pag-ikot ng mundo
bagama't ang tanging huminto
ay ang paghinga ko

Dahil nandoon ka at hawak-hawak ko
at maya't maya rin ay yakap-yakap ko
at palagi-laging hinahalik-halikan ko
sa pisngi, sa noo, sa labi, at sa mga kamay mo

Kamay na kasing-puti ng ulap
At pisnging kasing-kinis din
Buhok na nakapungos
Na tila ba tubig na umaagos
At nakikipaglaro
sa mapaglaro ko ring haplos

Subalit bago ko namalayan
kung ako'y nahihibang o nananaginip
bago ko naramdaman
ang malapot na pag-ihip ng hangin
bago ko naunawaan
ang hapding nararamdaman

Ikaw ay wala na
at ang tanging naiwan ay alaala
alaala ng mga matang akin pa ring nakikita
at halik sa pisnging akin pa ring nadarama
at halik sa labing nagnanasa
dahil hanggang ngayon
ang labi mo'y nalalasahan ko pa

Enter supporting content here