S'YA LAMANG ANG IIBIGIN Maganda pa rin ang kalawakan mapang-akit pa rin ang kapaligiran ang tag-ulan ay tila ba kaylayo pa ang tag-init ay hindi ko pa nakikita ang lamig na dala ng simoy ng hangin ang init ng luha n'yaring mga mata mga matang s'ya lamang ang nakikita at init ng katawang balot pati ang aking kaluluwa sa aking tabi ay ang buntung-hininga at ang hiningang amoy kamia sa tugtog ng ritmong paghinga na sinasabayan ng halik sa pisngi n'ya at halik sa leeg at halik sa may tainga at haplos sa pisngi, sa balikat, at sa mga mata mga matang ipinipikit at isinasara upang sa gunita s'ya'y muling makita at maaaring ang bukas, sa akin ay 'di na rin darating at maaaring s'ya ay mawalay rin sa aking piling subalit ngayon, ako'y kanya at s'ya ay akin sa sandaling ito, s'ya lamang ang aking iibigin
|