IKAW (ay nasa aking harapan) Mayroon akong hindi maintidihan pag-isipan man ay hindi maunawaan subalit kakaunting ngiti at haplos at halik sa labi pagkatapos kakaunting pagpupungay ng mga mata at ang tanging naririnig ay ang iyong pagtawa na para bang nanggaling pa sa ulap sa kalawakan ng aking mga pangarap Kung iyo lamang sanang nababatid ang damdaming nais kong sa 'yo iparamdam matatamis na mga halik at yakap hanggang sa kinaumagahan kung kailan ang sikat ng araw ay malumanay at tila ba kaylambot kasinglambot ng kutis mo na hanggang ngayon ay hawak-hawak ko Giliw, kay raming tanong na hindi ko masagutan Kay raming mga tao't iba't iba ang mga kapalaran Kasing dami ng mga puno sa kapaligiran Kasing dami ng mga isda sa karagatan At ng mga ulap sa malawak na kalawakan Subalit ikaw, ngayon nga't nasa aking harapan at yakap ko hanggang sa tanghalian at kung anuman ang kanina'y katanungan o mahahalagang bagay na hindi ko maunawan at bukas ay maaaring hindi ko pa rin maiintindihan subalit ngayon, ikaw ay nasa aking harapan
|