IROG May mga pagkakataong katulad ngayon Na hapdi lamang ang nadarama nitong puso Hapdi ng paghihintay at pamamanglaw Dahil hanggang ngayon ang hanap ay ikaw Ang puso ko'y nagluluksa Ang tanging nais ay ikaw ang makita Masilayan ka minsan man lamang At ang gunita ko'y mapuno nang iyong larawan Irog, kailangan kita Kailangan ko ang iyong pagtawa Ang iyong ngiti ay akin na sana Ang iyong halik, sana'y maging akin pa Ikaw ang nagmamay-ari nang aking puso Kaluluwa ko'y hindi ko na itinatago Dahil irog, anuman ang gustuhin mo Kung makakaya'y ibibigay ko Hindi ko alam kung ito'y pagmamahal o pagsamba Subalit sa akin, ito'y hindi mahalaga Anuman ang iyong hingin at naisin Pati buhay ko'y ibibigay ko rin Kaya nga ba irog nasaan ka na Huwag mo akong takbuhan Huwag mo akong labanan Kung hindi'y ikukulong ka na naman
|