LUMBAY Lumbay ang nadarama nitong pusong muli pa ring umaasa at naniniwala sa muli nating pagkikita Lumbay at hindi kalungkutan dahil walang bahid ng mapanuksong kadiliman o n'yaring mapaglarong kasalanan ang sa puso'y naninirahang hapdi ng kalooban Hindi ko mabatid kung ikaw yaong napansin kanina o baka naman ang mayuming alitaptap lamang ang s'yang gumuhit ng iyong larawan sa nahihibang kong isipan Subalit sa kanyang pagtawa ay muli ko na namang naalala ang maninipis na mga labing sa aki'y nagdulot ng pulot sa umaga ang mga bibig mong kasing lambot ng hinagkang pulang mansanas, kasing lapot ng nagmamadaling tsokolate, kasimbango ng ulang kasasabog pa lamang, halik sa aking labi ang s'yang nagpapaalala nitong nadaramang lumbay...
|