Ang Anak ay Nakaalala... Hindi ko malaman kung bakit bakit lagi na lamang akong galit galit sa ibon, galit sa tubig na malamig galit sa buwan at sa mga ulap na sa kanya'y nagdirikit Sa tanghalian kanina ay may isang bata paslit na laro nang laro sigaw ng sigaw, umiiyak at tumatawa at ang nasa isipan ko ay masaraap sigurong pananghalian s'ya Ang alam ko ay masama siguro akong tatay dahil ano nga ba naman ang alam ko sa buhay naging masama akong anak magiging masama rin akong tatay sa pagkakaalam ko Sa kabilang mesa ay kausap ng isang ama ang kanyang anak na para bang hindi man lang sila nagsama hindi magkasama sa bahay hindi magkasabay sa pagkain hindi nag-uusap, ni hindi magkakilala Subalit noong dumating ang isa pang bata na suot ang kamisetang kapareho ng kulay ng kamiseta ng kanyang tatay at tinawag ng bata ang kanyang ama Ay noon ko nadama ang kaluwalhatian kagihawaang hindi ko pa rin naiintindihan ligayang puso ko lamang ang nakakaramdam tuwa na s'yang kalimitang nagpapatulo ng luha Maaaring naiinggit lang ako sa sitwasyon at maaaring naghahanap lamang ako ng atens'yon pagkalinga, pag-aaruga, pagmamahal at pang-uunawa para sa anak na lumisan at hindi na nakaalala sa amang hanggang ngayon at lalo na ngayon ay hindi pa rin naghihintay sa kanya At maaaring limot na rin s'ya
|