![]() |
![]() |
MINSAN |
![]() |
Minsan Minsan, ay aking napagmasdan Ang bughaw na kalangitan At ang mga puting ulap sa kalawakan Na minsan din ay ninais kong mahawakan Mahaplos, mayakap, at mahagkan Minsan, noong aking napagmasdan Ang walang kasing-bughaw na kalangitan At mga puting ulap na hindi ko nahagkan Noon din ay minsan pang napamangha Kung bakit ikaw ay nakikita lamang Tuwing mga mata'y nababaha ng luha Ang mga ulap, gaano man kaputi Kaitim, o kahit pa man pulumpon Mahinahon, o nagbabantang umambon Ang mga ulap ay hindi ko binibigyan ng pansin Maliban sa mga panahon na hindi ko maatim Ang katotohanang ika'y wala na sa aking piling Dahil sa panahong kagaya ngayon Ang nais koy halik sa iyong labi Yakap at haplos at katahimikang hindi natatapos Ang nais koy matiyak lamang Na ika'y naririto na naman Kahit pa man sa ulap na hindi ko mahawakan At hindi ko nahagkan kahit minsan |
![]() |
![]() |
![]() |
Enter supporting content here |