Kani-kanina lang Kani-kanina lang ay nanumbalik na naman ang mga damdaming kani-kanina lang ay ninais ko na namang makalimutan Dumating na raw ang tag-ulan na muli na namang nagpasariwa sa damdamin, sa isipan nitong halik na ninais ko na sanang malimutan kani-kanina lang Malamig ang simoy ng hangin habang ako'y naglalakad sa damuhan, sa kalyeng semento, kahit pa man walang pinatutunguhan dahil walang pinatutunguhan ang taong nawawala sa kanyang kalooban At noon ko na nga napansin ang halamang katatanim lamang, diniligan, inalagaan, subalit anuman ang naging dahilan marahil ay init ng araw ang may kasalanan ang halamang luntian kani-kanina lang ay kulay-abo na at mamaya-maya ay magiging pagkain na rin ng iba pang mga luntiang halaman Parang ikaw, parang ako, tayo saan tayo nagkulang saan nagkamali, saan nagkaroon ng hadlang Ganunpaman, ang mga damdamin na minsan din naman ay inari natin, ay maaaring s'yang bumubuhay sa iba pang mga damdamin, damdaming hindi na atin... Bagama't atin kani-kanina lang...
|