ULAP May mga pagkakataon Na ang mga ulap Ay tila ba kaylapit At kaya mong maabot At kaya mong mahawakan At kaya mong mayakap At kaya mong mahagkan May mga araw na dumarating Na may dalang pag-asa Ulap na pagkaputi-puti Ulap na pagkalapit-lapit Ulap kong minamasdan Alam mo kaya ang aking pangalan Dahil ulap na pagkalapit-lapit Titigan ko man nang titigan Pilitin ko mang mayakap at mahagkan Puting ulap na nasa aking harapan Ay patuloy na lumalayo At patuloy na tumatakbo Hagkan ko man at haplusin Ay alam kong hindi magiging akin Subalit sa umagang kagaya ngayon Hiram man ang ating panahon Ang yakap ko't mga halik At haplos sa pisnging kay kinis Ang ulap kong minimithi Ay akin lamang ngayong sandali Bagama't hindi akin muli at muli
|