IKAW (at ang ulan) Mula sa aking kinatatayuan ay aking napagmamasdan ang pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng bawat butil na wari ba'y naglalaro lamang o nagpapaagos lamang sa ihip ng hangin Kani-kanina lamang ay aking napansin ang langit na puno ng mga ulap ulap na wari ba'y ayaw magpakita dahil ang mukha'y tinakpan ng belo belong singnipis ng hangin at kasing-itim ng abo Ang hindi ko malaman ay kung bakit ang mga mata mo pa rin ang nakikita ipikit ko man ang isipan kalimutan ko man ang mga alaala hindi ko maitago sa aking puso ang mga gunita at ang mga larawan at ang mga matang sa akin ay nakatingin na naman Maaaring nabanggit ko na subalit babanggitin ko muli at baka sakaling ang puso'y lumigaya dahil ang ngiti sa iyong mga mata ay minsan ko na ring nakita sa mga mata ng anghel na may pag-ibig na nadarama At ilang beses ko na ring nabanggit na ang kulang sa larawang aking nakita sa mga matang may ngiti at tawa ang tanging nawawala ay ang mga pakpak na hindi ko nakikita Ang sabi ng iba ay hindi ako karapat-dapat at may uling ang aking mga mata uling na dala ng mapaglarong hangin na ngayon nag'y nagdala na rin ng ulan ulan na aking napagmamasdan at inaasahang maglilinis ng katawan Upang mga mata mo'y muling mapagmasdan at muli pa'y maiduyan ka na naman sa himig ng awit ng hangin at ulan
|