MGA ULAP SA KALAWAKAN Tanging mga ulap sa kalawakan Ang gabay ng aking kapanglawan Ulap na hindi ko man lang mahawakan Maabot ko man, ako kaya'y mahagkan Ulap ng aking mga panaginip Ulap na tahanan ng mga luha at ulan Ulap na sa tuwi-tuwinay aking tinitingala Pinagmamasdan, pinagnanaisang mahawakan Subalit alam ko pa rin naman Na gaano ko man mithiin at naisin Na ang puting ulap minsan man lang ay maging akin Gaano ko man naisin, mithiin, o suriin Ang puting ulap kailan man ay hindi para sa akin At ngayon nga na ang mga mata'y puno na naman ng luha At sa isipan ay wala nang natira pang mga gunita Gunita ng sintang minsan pa'y binuhay sa alaala Gunita ng kahapong hanggang ngayon Ay hindi ko pa rin sa isipan maibura Kahit pa man sa isipan ay wala nang natira pang mga gunita Ay irog! Kay lupit nang mabuhay Kay bilis ng panahon, kay bagal ng panahon Nahan na ang tag-ulan o tag-araw Na papawi nyaring aking panglaw At bubura ng mga luha sa mata Mga matang sya pa rin ang tanging nais na makita Ulap, tayo na lamang ang natitira Dahil sa aking buhay, ang aking sinta Ay tuluyan nang nawala At hindi na babalik, maubos man ang aking luha
|